Tsina, positibo sa magkasamang pag-unlad

2018-10-12 09:00:38 CRI

Nang sagutin ang tanong ng mga mamamahayag Tsino at dayuhan Oktubre 11, 2018 sa Beijing, ipinahayag ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na palaging iginigiit ng Tsina ang prinsipyo ng win-win cooperation sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan, patuloy na pagbubukas ng pamilihan sa labas, at aktibong paglahok sa sistemang pangkabuhayan ng daigdig.

Ipinahayag niyang nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng lahat ng mga trade partner para maisakatuparan ang magkasamang pagtatamasa ng pagkakataon, magkasamang pag-unlad, magkasamang pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig, at magkasamang pagpapasulong ng kabuhayan ng daigdig. Aniya, hindi isinagawa at isasagawa ng Tsina ang umano'y “pananalakay sa kabuhayan.”

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino