Ika-124 na China Import and Export Fair, bubuksan bukas

2018-10-14 17:19:24 CRI

Nakatakdang bukasan bukas, Oktubre 15, 2018 ang Ika-124 na China Import and Export Fair, na kilala rin bilang Canton Fair, sa Guangzhou, punong lunsod ng Guangdong, sa dakong timog ng Tsina.

Sa preskon ngayong araw, ipinahayag ni Xu Bing, Tagapagsalita ng Canton Fair na 25,583 bahay-kalakal mula sa loob at labas ng Tsina ang lalahok sa perya sa taong ito. Sa panahon ng perya, aabot sa 20 porum ang idaraos, at ang mga ito ay may kinalaman sa pag-unlad ng pandaigdigang kalakalan, pagpigil at pagkontrol sa mga panganib na pangkalakalan, alitang pangkalakalan ng Tsina't Amerika, matchmaking ng pagsusuplay at pangangailangan, karapatan sa pagmaymay-ari ng likhang-isip (IPR) at iba pa.

Itinatag ang Canton Fair noong 1957.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino