Premyer ng Tsina at Hari ng Netherlands, nag-usap

2018-10-16 10:47:04 CRI

Nag-usap sa Hague kahapon, Oktubre 15, 2018 sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Haring Willem Alexander ng Netherlands.

Ipinahayag ni Premyer Li na nakahandang pahigpitin ng Tsina ang pakikipagtulungan sa Netherlands sa ibat-ibang larangan, lalo na ang pamumuhunan at pinansya para pasulungin ang pagtutulungan ng mga bahay-kalakal, lalo na ang mga katam-tamang laki at maliliit na bahay-kalakal ng dalawang bansa.

Tinukoy ni Li na kapuwa bilang bukas at mahalagang ekonomiya sa daigdig, inaasahang magkasamang susuportahan ng Tsina at Netherlands ang internasyonal na kaayusang pampulitika at pangkabuhayan, na naitatag batay sa mga regulasyong pandaigdig na kinabibilangan ng Karta ng UN at regulasyon ng World Trade Organization. Ito aniya'y para pangalagaan ang multilateralismo, malayang kalakalan, at katatagan ng daigdig.

Ipinahayag naman ni Haring Willem Alexander ang pag-asang pahihigpitin ang pagkakaisa at pagtutulungan ng Tsina at Netherlands para pangalagaan ang katatagan at kaunlaran ng internasyonal na sistemang pangkalakalan at mundo.

      

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino