Premyer Tsino, dumating sa Belgium

2018-10-17 11:34:06 CRI

Dumating sa Brussels, Belgium kagabi, Oktubre 16, 2018 si Premyer Li Keqiang ng Tsina para dumalo sa ika-12 Asia-Europe Summit (ASEM), at dumalaw sa Belgium. Ang biyaheng ito ay sa paanyaya nina Donald Tusk, Pangulo ng European Council, Jean - Claud Juncker, Pangulo ng European Commission, at Punong Ministro Charles Michel ng Belgium.

Ipinahayag ni Premyer Li na ang pagsasakatuparan ng kapayapaan, kaunlaran, pagbubukas at pagtutulungan ay nagsisilbing pangunahing tunguhin ng daigdig. Aniya, kapuwa bilang mahalagang puwersa sa pagpapasulong ng kabuhayan at pangangalaga sa katatagan ng daigdig, inaasahang magkasamang magsisikap ang Asya at Europa para pahigpitin ang diyalogong pangkooperasyon, pangalagaan ang kapayapaan ng daigdig, harapin ang ibat-ibang hamon, at maisakatuparan ang panlahat ng pag-unlad.

Tinukoy ni Li na ang punong himpilan ng Unyong Europeo ay nasa Belgium, at ang Belgium ay nagsisilbing tagapagpatupad ng integrasyon ng Europa. Nakahanda aniya ang Tsina na talakayin, kasama ng Belgium ang hinggil sa pagpapasulong ng Sino-Belgian relation, at Sino-European relation para palakasin ang pagtitiwalaang pampulitika at palalimin ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang panig. Umaasa aniya siyang ibayong pasusulungin ang komprehensibong mapagkaibigang partnership ng Tsina at Belgium, batay sa paggagalangan, pagkapantay-pantay at win-win cooperation.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino