Premyer Tsino, bumisita sa Netherlands

2018-10-17 11:36:41 CRI

Hague, Netherlands-Bumisita kahapon, Oktubre 16, 2018 si Premyer Li Keqiang ng Tsina, kasama ni Punong Ministro Mark Rutte ng Netherlands sa ekspo ng high and new technology.

Pagkatapos, nakipag-usap ang dalawang lider sa mga entrepreneur ng Netherlands.

Ipinahayag ng mga kalahok na nitong 40 taong nakalipas, malaking tagumpay ang natamo ng Tsina sa reporma at pagbubukas sa labas. Ito anila'y nagbibigay ng maraming pagkakataon sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Netherlands sa Tsina. Umaasa anila silang ipagpapatuloy ng Tsina ang pagpapabuti sa mga katugong patakaran at kapaligirang pang-negosyo, para suportahan ang direktang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na dayuhan sa bansa.

Ipinahayag naman ng Premyer Tsino na bibigyan ng Tsina ng mas marami at pantay-pantay na pagkakataon ang mga bahay-kalakal na dayuhan na mamuhunan sa bansa. Mapapalawak aniya ng Tsina ang market access.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino