Lider ng Tsina at Biyetnam, nag-usap

2018-10-19 09:12:24 CRI

Sa sidelines ng Ika-12 Asia Europe Summit, nag-usap sa Brussels, Belgium sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministrong Nguyen Xuan Phuc ng Biyetnam.

Ipinahayag ni Premyer Li na sa ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng komprehensibong estratehikong partnership, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Biyetnam para ibayong palakasin ang pagtitiwalaang pampulitika, pasulungin ang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan, pasulungin ang balanse at sustenableng pag-unlad ng bilateral na kalakalan, pahigpitin ang pagpapalitan sa ibat-ibang antas, at palakasin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan. Umaasa aniya siyang maayos na lulutasin ang mga isyung pandagat ng dalawang panig para magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea at rehiyon.

Ipinahayag naman ni Nguyen Xuan Phuc na nakahandang magsikap ang Biyetnam, kasama ng Tsina para tupdin ang komong palagay na narating mga liderato ng dalawang panig, at pasulungin ang pantay at malayang kalakalan ng dalawang panig. Positibo aniya siya sa pagtatatag ng mga industry park ng mga bahay-kalakal na Tsino sa Biyetnam at pagpapahigpit ng pagtutulungan sa ibat-ibang larangang kinabiblangan ng produktibong lakas, malinis na enerhiya, agrikultura, turismo at iba pa. Umaasa rin aniya siyang magsisikap ang dalawang bansa para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa karagatan, at ibayong pasulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino