Premyer ng Tsina at at Punong Ministro ng Kambodya, nag-usap

2018-10-19 11:09:18 CRI

Nag-usap sa Brussels, Belgium Oktubre 18, 2018 sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya.

Ipinahayag ni Premyer Li na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Kambodya para ibayong palakasin ang tradisyonal na pagkakaibigan, palalimin ang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, at bigyan ng ginhawa ang mga mamamayan ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang pahihigpitin ang ugnayan ng kani-kanilang estratehiyang pangkaunlaran, at palalawakin ang bilateral na kalakalan. Aniya, ipagpapatuloy ng Tsina ang pag-aangkat ng produktong agrikultural ng Kambodya, at susuportahan ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa Kambodya para maisakatuparan ang win-win cooperation. Susuportahan aniya ng Tsina ang Kambodya na maging host ng ika-13 Asia Europe Summit (ASEM), at inaasahang magtatamo ang bansa ng tagumpay sa usaping ito.

Ipinahayag naman ni Hun Sen na bilang matalik na kaibigan ng Tsina, patuloy na pahihigpitin ng Kambodya ang suporta at pakikipagkoordina sa Tsina sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, at ibayong palalawakin ang pragmatikong pagtutulungan sa larangan ng kabuhayan, kalakalan, agrikultura, at iba pa. Nananabik aniya siya sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa Kambodya. Aniya, bilang host ng ika-13 ASEM, nakahandang pahigpitin ng Kambodya ang pakikipagpalitan sa Tsina sa usaping ito.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino