Kita sa buwis ng Tsina, tumaas ng 13.2% noong unang tatlong kuwarter

2018-10-20 20:55:05 CRI

Ayon sa estadistika na inilabas nitong Biyernes, Oktubre 19, ng State Administration of Taxation ng Tsina, noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, lumampas sa 11.2 trilyong yuan RMB ang kita sa buwis ng bansa, na mas mataas ng 13.2% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2017.

Kumpara sa ibang larangan, mas mataas ang kita sa buwis sa mga makabagong serbisyo at konsumo. Ipinakikita nito ang malagong pag-unlad ng mga sektor ng Internet , information technology (IT), at inobasyon. Ipinakikita rin nito ang mabilis na paglaki ng konsumo ng mga mamamayang Tsino sa edukasyon, kalusugan, kultura, at libangan.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino