Pangulo ng Tsina, nagpadala ng mensaheng pambati sa Pangulo ng Biyetnam

2018-10-24 09:33:23 CRI

Nagpadala ng mensahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Nguyen Phu Trong ng Biyetnam bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang pangulo ng bansa.

Tinukoy ni Pangulong Xi na bilang mapagkaibigang magkatuwang, nananatiling mainam ang pangmatagalang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Biyetnam. Humihigpit din aniya ang pagpapalitan ng dalawang panig sa administrasyon ng partido at estado, at lumalalim ang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, batay sa komong palagay na narating noong 2017 ng mga liderato ng dalawang panig. Ito aniya'y nagdudulot ng ginhawa sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Biyetnam para pahigpitin ang tumpak na patnubay na pampulitika, para ibayong pasulungin ang komprehensibong estratehikong pagtutulungan ng dalawang bansa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino