Pangulong Tsino, dadalo sa seremonya ng pagbubukas ng unang CIIE

2018-10-29 17:14:36 CRI

Mula ika-5 hanggang ika-10 ng Nobyembre, idaraos sa Shanghai, Tsina ang Unang China International Import Expo (CIIE). Dadalo sa seremonya ng pagbubukas, at bibigkas ng talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Winika ito ni Fu Ziying, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina sa isang news briefing Lunes, Oktubre 29, 2018.

Isinalaysay ni Fu na lalahok sa seremonya ng pagbubukas ng CIIE ang mga mataas na opisyal at personahe ng sirkulo ng komersyo mula sa halos 150 bansa't rehiyon, at mga namamahalang tauhan ng mga kaukulang organisasyong pandaigdig.

Dagdag pa niya, bibisita si Xi, kasama ng mga lider na Tsino't dayuhan, sa mga pambansang pabilyon. Sa panahon ng ekspo, makikipagtagpo rin si Xi sa mga lider ng kaukulang bansa.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino