Pagkalagda ng Tsina at Hapon sa Bilateral Currency Swap Agreement, naglalayong pangalagaan ang katatagan ng pinansya ng dalawang bansa

2018-10-31 11:16:48 CRI

Sa panahon ng katatapos na pagdalaw sa Tsina ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, nilagdaan ng mga bangko sentral ng Tsina at Hapon ang Bilateral Currency Swap Agreement. Kaugnay nito, ipinahayag Martes, Oktubre 30, 2018, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na layon ng nasabing kasunduan na pangalagaan ang katatagan ng pinansya ng dalawang bansa, at katigan ang pag-unlad ng mga bilateral na aktibidad na pangkabuhayan at pinansyal.

Ayon sa salaysay, ang nasabing kasunduan ay nagkakahalaga ng 200 bilyong yuan RMB, at may 3 taong validity. Kung sasang-ayon ang magkabilang panig, maaari itong pahabain.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino