Tsina, hinimok ang Amerika na itigil ang anumang pakikipagpalitang opisyal at ugnayang militar sa Taiwan

2018-10-31 18:28:29 CRI

Muling hiniling ng Tsina sa panig Amerikano na tumalima sa prinsipyong Isang Tsina at tatlong magkasanib na komunike ng dalawang bansa, at itigil ang anumang pakikipagpalitang opisyal at ugnayang militar sa Taiwan.

Winika ito ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon ngayong araw bilang tugon sa naiulat na paglahok sa huling dako ng kasalukuyang buwan ng pangalawang punong pandepensa ng Taiwan sa Pulong ng Amerika't Taiwan hinggil sa Industriyang Pandepensa. Kalahok sa nasabing pulong ang opisyal mula sa Kagawaran ng Tanggulang-bansa ng Amerika.

Ipinagdiinan ni Lu na kailangang maingat na hawakan ng panig Amerikano ang isyu ng Taiwan para maiwasan ang pagdulot ng pinsala sa relasyong Sino-Amerikano at katatagan ng Taiwan Straits.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino