Pangulo ng Tsina at Amerika, nag-usap

2018-11-02 09:15:32 CRI

Nag-usap Nobyembre 1, 2018 sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika.

Ipinahayag ni Pangulong Trump na mahalaga ang pagpapahigpit ng pagpapalitan ng mga lider ng Tsina at Amerika. Hinihintay aniya niya ang muling pakikipag-usap kay Pangulong Xi sa G20 Summit na nakatakdang idaos sa Argentina. Aniya, pinahahalagahan ng Amerika ang pakikipagtulungang pangkabuhayan at pangkalakalan sa Tsina, at nakahanda itong palawakin ang pagluluwas sa Tsina.

Ipinahayag naman ni Pangulong Xi ang pag-asang mapapasulong ang malusog at matatag na relasyong Sino-Amerikano, batay sa komong palagay na narating ng mga liderato ng dalawang bansa. Aniya, ang win win cooperation ay batayan ng pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika. Aniya, ang kauna-unahang China International Import Expo (CIIE) na bubuksan sa Shanghai ay nagpapakita ng mithiin ng bansa sa pagpapalawak ng pag-aangkat at pagbubukas sa labas. Umaasa aniya siyang hihigpit ang pagpapalitan ng mga economic team ng Tsina at Amerika para malagdaan ang kasunduan hinggil sa paglutas sa mga isyung pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig.

Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang lider hinggil sa kalagayan sa Peninsula ng Korea.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino