Xi Jinping: dapat buong tatag na katigan at patnubayan ang pag-unlad ng di-pampublikong ekonomiya

2018-11-02 09:21:46 CRI

Beijing, Tsina-Huwebes ng umaga, Nobyembre 1, 2018, sa talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa isang simposyum ng mga pribadong bahay-kalakal, biniyang-diin niyang nagsilbing mahalagang bahagi ng sosyalistang sistemang may katangiang Tsino ang pundamental na sistemang pangkabuhayan kung saan ang pangunahing bahagi nito ay pampublikong pagmamay-ari, kasabay ng magkakasamang pag-unlad ng iba't ibang uri ng pagmamay-ari. Ito rin aniya ay di-maiiwasang kahilingan sa pagkumpleto ng sistema ng sosyalistang market economy.

Xi Jinping: dapat buong tatag na katigan at patnubayan ang pag-unlad ng di-pampublikong ekonomiya

Xi Jinping: dapat buong tatag na katigan at patnubayan ang pag-unlad ng di-pampublikong ekonomiya

Ipinagdiinan ni Xi na hindi nagbabago ang katayuan at papel ng di-pampublikong ekonomiya sa pag-unlad ng kabuhaya't lipunan ng Tsina. Patuloy at buong tatag na pasisiglahin, kakatigan, at papatnubayan ng bansa ang pag-unlad, at lilikhain ang mas magandang kapaligiran at mas maraming pagkakataon para sa pag-unlad nito, dagdag pa niya.

Xi Jinping: dapat buong tatag na katigan at patnubayan ang pag-unlad ng di-pampublikong ekonomiya

Dumalo sa simposyum ang mga pangunahing namamahalang tauhan ng mga kaukulang departamento ng pamahalaan, at mga kinatawan ng mga pribadong mangangalakal at kaukulang organong pinansyal.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino