Pangulo ng Tsina at Kenya, nag-usap

2018-11-05 10:18:38 CRI

Kinatagpo Nobyembre 4, 2018 sa Shanghai ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Pangulong Uhuru Kenyatta ng Kenya.

Ipinahayag ni Pangulong Xi ang pagtanggap sa pagdalo ni Pangulong Uhuru Kenyatta sa kauna-unahang China International Import Expo (CIIE). Nakahanda aniya ang Tsina na tulungan ang Kenya para pataasin ang added value at kompetetibong lakas ng mga produkto ng bansa, at palawakin ang pag-aangkat mula sa Kenya. Umaasa aniya siyang bibigyan ng Kenya ang mga bahay-kalakal ng Tsina ng mainam na kapaligiran ng pagnenegosyo.

Ipinahayag naman ni Pangulong Kenyatta ang pag-asang pahihigpitin ng CIIE ang pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Kenya. Nakahanda aniya ang Kenya na magsikap, kasama ng Tsina para ibayong pasulungin ang pagtutulungan ng Tsina at Aprika, pangalagaan ang multilateralismo, at malayang sistemang pangkalakalan ng daigdig para sa pagtatatag ng community of a shared future for mankind.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino