Kauna-unahang China International Import Expo, nagpapakita ng determinasyon ng Tsina sa pagbubukas sa labas

2018-11-06 17:20:12 CRI

Ipinahayag ni Shen Haixiong, Puno ng China Media Group (CMG) na ang idinaraos na kauna-unahang China Internatinal Import Expo (CIIE) ay nagpapakita ng determinasyon ng Tsina sa ibayo pang pagbubukas sa labas.

Sa kanyang talumpati nitong Lunes ng hapon sa Hongqiao International Business Media and Think Tank Forum, isa sa pangunahing aktibidad ng CIIE, sinabi ni Shen na ang pangako ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kaugnay ng pagbubukas sa labas sa seremonya ng pagbubukas ng CIIE at pagdaraos ng ekspong ito ay nagpapakita rin ng mainit na pagtanggap at taos-pusong hangarin ng Tsina sa pakikilahok at pagsasamantala ng iba't ibang panig sa mga pagkakataong dulot ng pag-unlad ng bansa.

Sa kanyang talumpati, sinipi rin ni Shen ang pinakahuling Doing Business Report 2019 ng World Bank para ilarawan ang bumubuting kapaligirang pangnegosyo ng Tsina. Ayon sa nasabing ulat na inilabas Oktubre 31, bumuti nang malaki ang kapaligirang pang-negosyo ng Tsina na nahahanay sa ika-46 na puwesto sa lahat ng 190 ekonomiya. Ito ay mas mataas ng 30 katayuan kumpara sa tinalikdang taon.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino