Yang Jichi, mangungulo sa ika-2 round ng China-US Diplomatic and Security Dialogue

2018-11-07 11:05:33 CRI

Ipinatalastas Martes, Nobyembre 6, 2018 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na idaraos sa Washinton D.C. sa ika-9 ng Nobyembre ang ika-2 round ng China-US Diplomatic and Security Dialogue. Magkasamang mangungulo sa nasabing diyalogo sina Yang Jiechi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng CPC, Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, at James Mattis, Kalihim ng Depensa ng Amerika.

Aniya, malalimang magpapalitan ng kuru-kuro ang magkabilang panig tungkol sa relasyong Sino-Amerikano at iba pang mahahalagang isyung kapuwa nila pinahahalagahan.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino