Premyer Tsino, dadalo sa East Asia Summit

2018-11-09 10:48:10 CRI

Ipinahayag Nobyembre 8, 2018 sa Beijing ni Chen Xiaodong, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Punong Ministrong Lee Hsien Loong ng Singapore, dadalaw sa bansa si Premyer Li Keqiang ng Tsina mula ika-12 hanggang ika-16 ng buwang ito, at dadalo rin siya sa Ika-21 China-ASEAN Summit(10+1), Ika-21 Summit ng ASEAN, China, Hapon at Timog Korea (10+3), at Ika-13 East Asia Summit.

Ipinahayag ni Chen na ilalahad ng Premyer Tsino sa pulong ang patakaran ng Tsina sa pagpapasulong ng kooperasyon ng Silangang Asya, at ibibigay ang mga mungkahi hinggil sa pagpapalalim ng pragmatikong pagtutulungan, sa ilalim ng ibat-ibang rehiyonal na mekanismong pangkooperasyon para ibayo pang pasulungin ang kooperasyon ng Silangang Asya.

Umaasa aniya ang Tsina, na gaganap ng positibong papel ang nasabing mga summit sa pagpapasulong ng pagtutulungan ng Silangang Asya, pangangalaga sa multilateralismo, pagpapalawak ng malayang kalakalan, pangangalaga sa mga regulasyong pandaigdig, pagpapasulong ng rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan, at pangangalaga sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino