Ika-5 World Internet Conference, ipininid

2018-11-09 18:58:19 CRI

Ipininid ngayong araw, Biyernes, ika-9 ng Nobyembre 2018, sa Wuzhen, lalawigang Zhejiang, Tsina ang Ika-5 World Internet Conference.

Sa tatlong araw na pulong, tinalakay ng mga kalahok mula sa iba't ibang bansa at rehiyon ng daigdig, ang hinggil sa pandaigdig na kooperasyon sa cyberspace, pagpapaunlad ng digital economy, pagharap sa mga hamon sa cybersecurity, pagpapabuti ng pangangasiwa sa cyberspace, at iba pang paksa.

Inilabas sa pulong ang 2018 World Internet Development Report at 2018 China Internet Development Report. Ipinakita ng dalawang ulat na ito ang pangkalahatang kalagayan ng pag-unlad ng internet sa buong daigdig sa taong ito, at iniharap din ang mga mungkahi hinggil sa pagpapaunlad ng internet industry.

Isinagawa rin ang isang ekspo, kung saan itinanghal ang mga inobasyon at bagong teknolohiya mula sa buong daigdig sa aspekto ng internet.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino