Mahigit sa 57.8 bilyong Dolyares na mga deal, narating sa unang CIIE

2018-11-11 18:45:13 CRI

Ipininid kahapon, Sabado, ika-10 ng Nobyembre 2018, sa Shanghai, ang unang China International Import Expo (CIIE).

Ayon kay Sun Chenghai, Pangalawang Direktor ng opisyal na departamentong tagapag-organisa ng CIIE, lumahok sa naturang ekspo ang 172 bansa, rehiyon, at organisasyong pandaigdig; nagtanghal ang mahigit 3600 bahay-kalakal, at bumisita rito ang mahigit 400 libong mamimili. Ayon pa rin sa kanya, narating ang mga kasunduan hinggil sa pagbili ng mga paninda at serbisyo, na nagkakahalaga ng mahigit sa 57.8 bilyong Dolyares, at ito ay mangyayari sa loob ng isang taon.

Isiniwalat din ni Sun, na sinimulan na ang mga paghahanda para sa ika-2 CIIE. Ayon sa inisyal na plano, idaraos ang ekspong ito mula ika-5 hanggang ika-10 ng Nobyembre ng taong 2019, at sa kasalukuyan, kumpirmado nang magtatanghal dito ang mahigit 200 bahay-kalakal.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino