Pangulong Tsino, dumating ng PNG para sa pagdalo sa APEC at pagdalaw sa Brunei, Pilipinas

2018-11-15 18:43:44

Dumating ng Port Moresby, ngayong gabi, Nobyembre 15, 2018, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para pasimulan ang kanyang dalaw-pang-estado sa Papua New Guinea (PNG) at dumalo sa Ika-26 na Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).

Sa news briefing nitong Martes, 2018, isinalaysay ni Kong Xuanyou, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina na isasagawa ni Pangulong Xi ang kanyang kauna-unahang opisyal na pagdalaw sa Pilipinas, Nobyembre 20-21. Ito rin ang unang pagdalaw sa Pilipinas ng puno ng estado ng Tsina nitong 13 taong nakalipas. Ani Kong, ang Pilipinas ay mapagkaibigang kapitbansa at mahalagang partner ng Tsina. Sa kasalukuyan, walang tigil na lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal at komprehensibong nanumbalik ang kooperasyon sa iba't ibang larangan ng Tsina't Pilipinas, saad ni Kong.

Dagdag pa niya, kapit-bisig ang dalawang bansa para malutas ang isyu ng South China Sea sa pamamagitan ng talastasan. Bukod dito, kumakatig din ang Tsina't Pilipinas sa isa't isa sa rehiyonal at multilateral na antas.

Salin: Li Feng


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino