Pangulong Tsino, kinatagpo ang mga lider ng mga islang bansa sa Pasipiko

2018-11-17 11:48:25 CRI

Port Moresby, Papua New Guinea-Kinatagpo Nobyembre 16, 2018 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga lider ng mga islang bansa sa Pasipiko na kinabibilangan ng Federated States of Micronesia, Samoa, Vanuatu, Cook Islands, Tonga, Niue, at Fiji Islands.

Ipinahayag ni Pangulong Xi ang pag-asang pahihigpitin ng Tsina at mga bansa sa Pasipiko ang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, sa ilalim ng balangkas ng “Belt and Road,” para maisakatuparan ang magkasamang pag-unlad.

Ipinahayag naman ng mga lider ng nasabing mga bansa ang paggigiit sa prinsipyong Isang Tsina. Nakahanda anila silang ibayong pahigpitin ang pakikipagkaibigan sa Tsina, at pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino