Relasyong Sino-Indones, isusulong pa

2018-11-18 14:29:34

Port Moresby - Sa kanyang pakikipagtagpo Sabado, Nobyembre 17, 2018, kay Pangulong Joko Widodo ng Indonesia, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na nakahanda ang panig Tsino na panatilihin ang pakikipagkoordinahan sa panig Indones sa mataas na antas upang mapasulong pa ang kanilang bilateral na relasyon sa estratehikong pananaw.

Relasyong Sino-Indones, isusulong pa

Ani Xi, pinahahalagahan ng panig Tsino ang inisyatibang "Comprehensive Regional Economic Corridors" na iniharap ni Pangulong Joko, at nakahanda itong pasimulan ang substansyal na kooperasyon ng dalawang panig sa lalong madaling panahon. Aniya, nakahanda ang Tsina na palawakin ang pag-aangkat ng mga produkto mula sa Indonesia. Bukod dito, dapat palakasin ng dalawang bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa mga larangang gaya ng pananalapi, e-commerce, at kultura.

Relasyong Sino-Indones, isusulong pa

Ipinahayag naman ng Pangulong Indones ang pagbati sa matagumpay na pagdaraos ng China International Import Expo (CIIE). Pinasalamatan din niya ang ibinigay na tulong ng panig Tsino sa Indonesia sa disaster relief work pagkatapos ng lindol at tsunami. Umaasa ang Indonesia na ibayo pang mapapalakas ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan, aniya pa.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino