Pangulo ng Tsina at Sultan ng Brunei, nag-usap; relasyon ng dalawang bansa, isusulong

2018-11-19 16:36:41 CRI

Bandar Seri Begawan — Sa pag-uusap Lunes, Nobyembre 19, 2018, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei, lubos nilang pinapurihan ang tunguhin ng positibong pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Buong pagkakaisa nilang ipinasyang itatag ang estratehikong kooperatibong partnership para maging mabuting magkatuwang.

Mataas na hinahangaan ni Pangulong Xi ang palagiang pagpapahalaga ni Bolkiah sa relasyon sa Tsina. Aniya, hinahangaan ng panig Tsino ang buong tatag na pananangan ng Brunei sa patakarang Isang Tsina, at patuloy nitong kakatigan ang pagtahak ng Brunei sa landas ng pag-unlad na angkop sa sarili nitong kalagayang pang-estado. Winiwelkam aniya ng panig Tsino ang pagpapalawak ng mga bahay-kalakal ng Brunei sa Tsina, at nakahanda itong palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Brunei sa mga larangang gaya ng konstruksyon ng imprastruktura, agrikultura, pangingisda, at enerhiya. Kinakatigan ng Tsina ang kooperasyon ng Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA), at kinakatigan ang pagsasakatuparan ng komprehensibo at balanseng pag-unlad ng ASEAN, aniya pa.

Kaugnay ng isyu ng South China Sea, tinukoy ng Pangulong Tsino na ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan sa karagatang ito ay may kaugnayan sa aktuwal na kapakanan ng Tsina at Brunei. Ito rin aniya ay komong mithiin ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Hinahangaan aniya ng Tsina ang ideyang iniharap ng Brunei sa paghaeak ng hidwaan sa pamamagitan ng maagkaibigang pagkokoordinahan ng mga kinauukulang bansa upang magkakasamang mapangalagaan ang katatagan ng SCS.

Ipinahayag naman ni Hassanal na buong tatag na nananangan ang kanyang bansa sa patakarang Isang Tsina. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng biyahe ni Xi, mapapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa mga larangang kinabibilangan ng kalakalan, pamumuhunan, agrikultura, turismo, edukasyon, kultura, at iba pa. Aniya, pinasalamatan ng Brunei ang pagkatig ng Tsina sa BIMP-EAGA Cooperation. Nakahanda ang Brunei na palakasin ang pagsasanggunian at pagkokoordinahan ng dalawang bansa sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig para walang humpay na mapasulong ang kooperasyong ASEAN-Sino, dagdag pa niya.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino