Ika-5 Mataas na Diyalogo sa Purok-hanggahan ng Tsina at Biyetnam, idinaos

2018-11-20 10:52:39 CRI

Idinaos Nobyembre 19-20, 2018 sa Tsina't Vietnam ang ika-5 Mataas na Diyalogo sa Purok-hanggahan ng Tsina at Biyetnam. Dumalo sa pagtitipon sina Ministrong Pandepensa Wei Fenghe ng Tsina at Ministrong Pandepensa Ngo Xuan Lich ng Biyetnam.

Ipinahayag ni Wei ang pag-asang tutupdin ng Tsina at Biyetnam ang komong palagay na narating ng mga liderato ng dalawang panig para palalimin ang pagtutulungang panlupa at pandepensa, at pahihigpitin ang regular na pagpapalitan para magkasamang pangalagaan ang katatagan, kaunlaran at kasaganaan sa purok-hanggahan ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ni Ngo na pinahahalagahan ng Biyetnam ang tradisyonal na mapagkaibigang pakikipagtulungang militar sa Tsina. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina para pahigpitin ang pagtitiwalaang pampulitika at pragmatikong pagtutulungan para pangalagaan ang katatagan sa purok-hanggahan at pasulungin ang sustenableng pag-unlad ng dalawang bansa. Aniya, ang mapagkaibigang pagpapalitang pandepensa sa purok-hanggahan ay ibayong magsusulong sa relasyong militar ng dalawang bansa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino