Pangulong Xi, dumating na ng Pilipinas para sa dalaw na pang-estado

2018-11-20 13:24:41 CRI

Pangulong Xi, dumating na ng Pilipinas para sa dalaw na pang-estado

Dumating na ng Pilipinas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para sa dalaw na  pang-estado sa bansa.

Ito ang kauna-unahang opisyal na pagdalaw sa Pilipinas ni Xi, at ito rin ang unang pagdalaw sa Pilipinas ng isang puno ng estado ng Tsina nitong 13 taong nakalipas.

Sa kanyang dalawang araw na pananatili sa Pilipinas, makikipag-usap si Pangulong Xi kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at matataas na opisyal ng Pilipinas.

Sa kanilang pagtatagpo, magkasamang itatakda ng mga lider na Tsino't Pilipino ang mga bagong estratehiya at plano para sa pagpapaunlad ng relasyong Sino-Pilipino, komprehensibong patataasin ang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan, at tatalakayin ang hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan. Nakatakdang ilabas din ng Tsina't Pilipinas ang magkasanib na pahayag.

Salin: Jade
Pulido: Mac
Photo Source: PNA photo by Avito C. Dalan

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino