Di-pagbalangkas ng deklarasyon ng APEC Meeting, hindi mithiin ng karamihang kasapi ng APEC

2018-11-21 13:44:20 CRI

Ipinahayag Nobyembre 20, 2018 sa Beijing ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hindi pinagtibay at inilabas ng mga kalahok na lider ang deklarasyon ng 2018 APEC Meeting sa Papua New Guinea. Aniya, ito ay hindi angkop sa mithiin ng Tsina at karamihan sa mga kasapi ng APEC.

Ipinahayag niyang karamihan sa mga kasapi ng APEC ay sumuporta sa paninindigan ng pangangalaga sa sistema ng multilateral na kalakalan ng daigdig at paglaban sa proteksyonismo. Pero, may ekonomiya na di-sangayon dito, at matigas nitong iginiit ang pagsulat ng mga nilalamang makakasama sa interes ng ibang kasaping bansa. Ito aniya'y nagpapakita ng tangka ng nasabing ekonomiya na pangalagaan ang proteksyonismo at unilateralismo. Aniya, sa talakayan ng pulong, tinutulan ito ng karamihan sa mga kasapi ng APEC na kinabibilangan ng Tsina.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino