World Trade Organization, multilateral na organisasyong pandaigdig

2018-11-23 10:35:42 CRI

Ipinahayag Nobyembre 22, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na suportado ng Tsina ang multilateral na sistemang pangkalakalan ng daigdig kung saan sentro ang World Trade Organization (WTO) , at isinasagawang reporma ng WTO.

Winika ito ni Geng bilang tugon sa pahayag kamakailan ni Kevin Hassett, Chairman of the Council of Economic Advisers ng White House na tangkang nitong paalisin ang Tsina mula sa WTO, dahil sa umano misbehaviour, bilang miyembro ng WTO.

Sinabi ni Geng na kahit bilang fool's talk, nagpapakita rin ito ng bullying features at self-important mindset ng Estados Unidos. Ipinahayag niyang bilang isang multilateral na organisasyong pandaigdig, nagiging pantay-pantay ang lahat ng mga miyembro ng WTO. Aniya, sapul nang lumahok ang Tsina sa WTO, naisasakatuparan ng bansa ang kanyang pangako at regulasyon ng WTO. Tinanggap aniya ng director heneral ng WTO at komunidad ng daigdig ang aktibidad at positibong papel ng Tsina. Dagdag pa niya, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng ibat-ibang miyembro ng WTO para sa pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig, pangangalaga sa multilateral na sistemang pangkalakalan, pangangalaga sa multilateralismo, pangangalaga sa kaayusang pandaigdig na naitatag batay sa regulasyon, pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig na may katarungan, paggalang, at win-win cooperation, para maisakatuparan ang community with a shared future for mankind.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino