CRI Komentaryo: bagong biyahe ni Pangulong Xi Jinping, magbibigay-diin sa pagbubukas at pagtutulungan

2018-11-23 17:18:36 CRI

Simula ng ika-27 ng buwang ito, dadalaw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Espanya, Argentina, Panama, at Portugal, at dadalo rin sa G20 Summit sa Buenos Aires, Argentina.

Sa kasalukuyan, mabunga ang pakikipagkooperasyon ng Tsina sa naturang 4 na bansa sa loob ng balangkas ng Belt and Road Initiative (BRI). Halimbawa, mabilis na lumalaki ang pagluluwas ng Espanya sa Tsina, sapul nang patakbuin ang bagong freight train line sa pagitan ng Tsina at Europa. Mahigit kalahati ng iniluwas na mga karne ng baka ng Argentina ay pumunta sa Tsina. Nilagdaan ng Tsina at Panama ang memorandum hinggil sa kooperasyon sa ilalim ng BRI. Malaki naman ang pagtaas ng halaga ng pamumuhunan ng Tsina sa Portugal.

Sa pamamagitan ng gagawing pagdalaw ni Pangulong Xi, inaasahang ibayo pang pasusulungin ang kooperasyon ng Tsina at naturang mga bansa na may win-win result, at matatamo ang mas malaking bunga sa mga kooperasyon sa loob ng balangkas ng BRI.

Sa pananatili sa Argentina, dadalo si Pangulong Xi sa G20 Summit. Sa mga nagdaang G20 Summit, laging ipinakita ng Tsina ang matatag at positibong posisyon sa pagharap sa mga kahirapan sa kalagayang pandaigdig. Sa kasalukuyang summit naman, sa harap ng mga elementong kawalang-katatagan sa kabuhayang pandaigdig, muling ibabahagi ni Pangulong Xi ang paninindigan ng Tsina hinggil sa paggigiit sa diwa ng pagkakatuwang, pagpapalakas ng kooperasyon, at pagpapasulong sa bukas, inklusibo, at malusog na pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.

Sa sideline ng G20 Summit, posibleng isasagawa nina Pangulong Xi at Pangulong Donald Trump ng Amerika ang kanilang unang pagtatagpo, sapul nang lumitaw ang sigalot sa kalakalan ng dalawang bansa. Bilang dalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, ang pagtatagpong ito ay mahalaga hindi lamang sa bilateral na relasyong Sino-Amerikano, kundi rin sa pangkalahatang kalagayan ng daigdig.

Tulad ng katatapos na pagdalaw ni Pangulong Xi sa Papua New Guinea, Brunei at Pilipinas, masagana ang nilalaman at malaki rin ang katuturan ng bagong biyaheng ito. Muli nitong ipapakita ang matatag na determinasyon at walang humpay na pagsisikap ng Tsina para sa pagpapasulong ng pagbubukas, pagtutulungan, at komong pag-unlad ng daigdig.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino