Tsina, inilabas ang 53 hakbangin hinggil sa pagpapalalim ng reporma at inobasyon sa mga pilot free trade zone

2018-11-23 19:13:55 CRI

Inilabas ngayong araw, Biyernes, ika-23 ng Nobyembre 2018, ng pamahalaang Tsino ang 53 hakbangin hinggil sa pagpapalalim ng reporma at inobasyon sa mga pilot free trade zone ng bansa.

Ang mga hakbangin ay sumasaklaw sa mga aspekto ng paglikha ng magandang kapaligirang pampamumuhunan, pagpapataas ng lebel ng pasilitasyong pangkalakalan, pagpapasulong sa mga bagong serbisyong pinansyal sa real economy, paggamit ng yamang-tao, at iba pa. Ito ay naglalayong katigan ang pagsasagawa ng mga pilot free trade zone ng pagsubok sa naturang mga aspekto, at magtipon ng mga karanasang puwedeng palaganapin sa buong Tsina, para palalimin ang reporma at palawakin ang pagbubukas sa labas.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino