Komentaryo: Pagkakataon at hamon ng Tsina't Latin-Amerika sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan

2018-11-26 16:27:04 CRI

Sisimulan bukas, Nobyembre 27, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang dalaw pang-estado sa Espanya, Argentina, Panama at Portugal, at lalahok din siya sa ika-13 G20 Summit sa Buenos Aires. Sa ilalim ng kasalukuyang situwasyong pandaigdig kung saan dumarami ang mga di-tiyak at di-matatag na elemento, kinakaharap ng Tsina at mga bansang Latin-Amerikano, hindi lamang ang mga hamon, kundi ang mas maraming pagkakataon sa kanilang magkasamang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan.

Kahit malayu-layo ang Tsina at mga bansa ng Latin-America at Carribean, kasama sa mga umuunlad na bansa at bagong sibol na ekonomiya ang mga ito at nagsisilbing mahalagang puwersa sa pangangalaga sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig. Sa kasalukuyan, ang China- Community of Latin American and Caribbean States (CELAC) Forum ay nagiging pangunahing plataporma para sa panlahatang kooperasyon ng Tsina at mga bansa ng Latin-Amerika at Caribbean.

Ang gagawing pagdalaw ay ika-4 na biyahe ni Pangulong Xi sa Latin-Amerika at Caribbean. Inaasahang mapapasigla nito ang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang panig. Inaasahan din itong magkakaloob ng tatlong pagkakataon para sa pagtutulungan ng dalawang panig. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

Una, pasusulungin nito ang multilateralismo at malayang kalakalan sa pagitan ng Tsina at Latin-Amerika, bilang tugon sa lumalalang unilateralismo at proteksyonismo.

Ikalawa, ibayo pang pasusulungin ng biyahe ni Xi ang mga pragmatikong pagtutulungan sa pagitan ng dalawang panig, sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI) para sa komong kasaganaan. Ang pag-unlad na ito ay mangyayari sa limang pangunahing larangang kinabibilangan ng konektibidad ng mga patakaran, konektibidad ng imprastruktura, konektibidad ng kalakalan, konektibidad ng pinansya, at konektibidad ng mga tao.

Ikatlo, sa gagawing pagdalaw ng pangulong Tsino, palalakasin ng magkabilang panig ang pagtutulungan sa pandaigdig na pangangasiwa, bilang tugon sa mga isyung pandaigdig.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino