Ministrong Panlabas ng Tsina, kinatagpo ang delegasyon ng United Nations Security Council: multilateralismo, isusulong

2018-11-27 10:39:17 CRI

Kinatagpo Nobyembre 26, 2018 sa Beijing ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina ang delegasyon ng mga Pirmihang Kinatawan ng United Nations Security Council (UNSC), mula sa Rusya, Britanya, South Africa, Indonesya, Kuwait, Amerika, Kazakhstan, Bolivia, at iba pa.

Ipinahayag ni Wang na ang UN ay pinakamalawak at pinaka-awtorisadong organisasyong pandaigdig na kumakatawan sa multilateralismo. Aniya, sa harap ng lumalaganap na unilateralismo, umaasa ang komunidad ng daigdig na palalawakin ng United Nations (UN) ang papel nito. Aniya, isinasabalikat ng UNSC ang tungkulin sa pangangalaga sa seguridad at katatagan ng daigdig. Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang mga Pirmihang Kinatawan sa UNSC para pangalagaan ang multilateralismo at regulasyong pandaigdig para maitatag ang community of shared future for mankind.

Ipinahayag naman ng nasabing mga kinatawan ang pagpapahalaga sa pagsisikap ng Tsina sa pangangalga sa multilateralismo, pagbibigay-suporta sa mga suliranin ng UN, at pagbibigay ng namumukod na ambag sa pangangalaga sa kapayapaan at kaunlaran ng mundo.

  

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino