Pagkakasundo hinggil sa pag-alis ng Britanya sa EU, suportado ng Tsina

2018-11-27 10:35:58 CRI

Ipinahayag Nobyembre 26, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sinusubaybayan ng Tsina ang isyung may-kinalaman sa pag-alis ng Britanya sa Unyong Europeo (EU). Umaasa aniya siyang mararating ng dalawang panig ang pagkakasundo hinggil dito.

Sinabi ni Geng na ang EU at Britanya ay kapuwa estratehikong partner ng Tsina. Aniya pa, ang pangangalaga sa kasaganaan at katatagan ng EU at Britanya ay angkop sa interes ng ibat-ibang panig, at nagsisikap ang Tsina para magkasamang pasulungin ang pakikipagtulungan sa naturang dalawang panig. Hindi mababago ang patakarang ito, diin niya. Sinabi ni Geng na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng nasabing dalawang panig para pangalagaan ang kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng daigdig.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino