Tangkang pagsira sa pagkakaibigan ng Tsina at Pakistan, mabibigo

2018-11-28 12:08:03 CRI

Ipinahayag Nobyembre 27, 2018 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mabibigo ang anumang hakbang na nagtatangkang sirain ang pagkakaibigan ng Tsina at Pakistan.

Winika ito ni Geng bilang tugon sa teroristikong pag-atake na naganap kamakailan sa Konsulada Heneral ng Tsina sa Karachi, Pakistan.

Sinabi ni Geng na kasalukuyang nananatili ang pagpapalitan sa pagitan ng Tsina at Pakistan hinggil dito. Nananalig aniya siyang may kakayahan ang pamahalaan ng Pakistan sa pangangalaga sa kalagayang panseguridad sa loob ng bansa. Samantala, inaasahang isasagawa ng Pakistan ang hakbang para pangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayan at tanggapang Tsino sa kanyang bansa, diin niya.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino