Sino-Russian Energy Business Forum, binuksan

2018-11-30 10:56:09 CRI

Binuksan Nobyembre 29, 2018 ang Sino-Russian Energy Business Forum.

Nang araw ring iyon, sa magkahiwalay na okasyon, nagpadala ng mensahe sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya bilang pagbati sa pagbubukas ng porum.

Ipinahayag ni Pangulong Xi na bilang mahalagang pagkakasundo ng mga liderato ng Tsina at Rusya, ang pagdaraos ng nasabing porum ay para itatag ang plataporma ng diyalogo, palawakin ang pagkakataong pangkooperasyon, at pasulungin ang ugnayang pangkooperasyon ng dalawang panig. Umaasa aniya siyang tatalakayin at mararating ng mga kalahok ang pagkakasundo hinggil sa ibayong pagpapalalim ng pagtutulungan ng Tsina at Rusya sa enerhiya, pamumuhunan, at pinansiya para bigyan ng ginhawa ang mga mamamayan ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ni Putin na bilang mahalagang bahagi ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Rusya, mabilisang umuunlad ang pagtutulungan sa enerhiya ng dalawang panig. Umaasa aniya siyang magkakaroon ang mga kalahok ng konstruktibong diyalogo para hanapin ang bagong modelong pangkooperasyon ng dalawang bansa na may mutuwal na kapakinabangan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino