Mga lider ng Tsina, Rusya, at Indya, nagpulong

2018-12-01 16:44:18 CRI

Nagpulong kahapon, Biyernes, ika-30 ng Nobyembre 2018, sa Buenos Aires, Argentina, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, at Punong Ministro Narendra Modi ng Indya.

Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa kooperasyon ng tatlong bansa sa ilalim ng bagong kalagayan. Buong pagkakaisang sinang-ayunan din nilang palakasin ang koordinasyon, dagdagan ang komong palagay, at pasulungin ang kooperasyon, bilang magkakasamang pagsisikap para sa kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng daigdig.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino