Pangulong Tsino at Chancellor ng Alemanya, nag-usap; relasyong Sino-Aleman, isusulong

2018-12-02 15:45:44

Pangulong Tsino at Chancellor ng Alemanya, nag-usap; relasyong Sino-Aleman, isusulong

Buenos Aires, Argentina - Sa kanyang pakikipag-usap Sabado, Disyembre 1 (local time), 2018, kay Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na napapanatili ng relasyong Sino-Aleman ang tunguhin ng mainam na pag-unlad. Aniya, nakahanda ang panig Tsino na ipagpapatuloy ang mahigpit na pakikipagkooperasyon sa panig Aleman para magkasamang makapagbigay ng ambag sa pangangalaga sa multilateralismo at bukas na kabuhayang pandaigdig, at pagpapasulong ng kapayapaan at katatagang pandaigdig.

Ipinahayag naman ni Merkel na mainam ang pag-unlad ng relasyong Aleman-Sino, at maalwang isinusulong ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan. Hinahangaan aniya ng kanyang bansa ang ginagawang pagsisikap ng panig Tsino para sa multilateral na kooperasyon.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino