Tsina at Amerika, nagkasundo sa isyung pangkabuhayan at pangkalakalan

2018-12-02 16:03:56

Tsina at Amerika, nagkasundo sa isyung pangkabuhayan at pangkalakalan

Buenos Aires, Argentina - Nag-usap kagabi, Disyembre 1 (local time), 2018, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Doland Trump ng Estados Unidos kung saan tinalakay nila ang tungkol sa isyung pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa at narating ang komong palagay.  

Ipinalalagay ng dalawang panig na ang malusog at matatag na relasyong Sino-Amerikano ay angkop sa komong kapakanan ng dalawang bansa at buong daigdig.  

Tsina at Amerika, nagkasundo sa isyung pangkabuhayan at pangkalakalan

Ipinasiya nila na itigil ang mga limitadong hakbanging pangkalakalan na gaya ng pagpapataw ng dagdag na taripa. Hindi rin nila itataas ang kasalukuyang tax rate na nakatuon sa isa't-isa, at hindi papatawan ng karagdagang taripa ang mga iba pang paninda ng dalawang panig.  

Bukod dito, inatas ng dalawang lider sa kanilang grupong pangkabuhayan at pangkalakalan na pabilisin ang pagsasanggunian at magkaroon ng kasunduan para kanselahin ang mga karagdagang taripa sapul nang pumasok ang taong ito.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino