Premyer Tsino, bumati sa bagong halal na PM ng Sao Tome and Principe

2018-12-06 15:45:43

Ipinadala nitong Lunes, Disyembre 3, 2018, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mensahe kay Jorge Bom Jesus bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang Punong Ministro ng Sao Tome and Principe.

Sa mensahe, ipinahayag ni Premyer Li na sapul nang mapanumbalik ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Sao Tome and Principe, mabilis na umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa, walang humpay na lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, komprehensibong isinusulong ang kooperasyon sa iba't-ibang larangan, bagay na nakakapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Sao Tome and Principe upang mapasulong pa ang komprehensibong relasyong pangkooperasyon ng dalawang bansa.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino