Ugnayang pangkabataan ng Tsina't Cambodia, isusulong

2018-12-07 15:25:08 CRI

Kinatagpo nitong Huwebes, Disyembre 6, ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministring Panlabas ng Tsina si Hun Many, Presidente ng Union of Youth Federations ng Cambodia. Nakahanda ang magkabilang panig na ibayo pang pasulungin ang ugnayang pangkabataan ng Tsina't Cambodia.

Ipinahayag ni Wang ang patuloy na pagkatig ng Tsina sa pagtahak ng Cambodia sa landas ng pag-unlad na angkop sa kalagayan ng bansa. Pinasamatan din ni Wang ang Cambodia sa suporta sa Tsina sa mga isyung may pambansang nukleong interes.

Ipinahayag naman ni Hun Many na bilang kinatawan ng kabataang henerasyon ng Cambodia, nakahanda siyang isalin ang pagkakaibigan ng Tsina't Cambodia at palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga kabataan ng dalawang bansa.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino