Chang'e-4 lunar probe, inilunsad ng Tsina; kauna-unahang soft landing ng sangkatauhan sa far side ng buwan, isasagawa

2018-12-08 18:29:04

Chang'e-4 lunar probe, inilunsad ng Tsina; kauna-unahang soft landing ng sangkatauhan sa far side ng buwan, isasagawa

Inilunsad ngayong madaling araw ng Tsina ang Chang'e-4 lunar probe. Inaasahan itong magsasagawa ng kauna-unahang "soft landing" ng sangkatauhan sa "far side" ng buwan at magbubukas ng bagong kabanata sa paggagaludad sa buwan.

Alas 2:23 ngayong madaling araw, napaimbulog ang nasabing probe na may isang lander at isang rover, sa pamamagitan ng Long March-3B rocket, sa Xichang Satellite Launch Center, lalawigang Sichuan sa dakong timog-kanluran ng Tsina.

Ayon sa China National Space Administration (CNSA), kabilang sa mga tungkuling siyentipiko ng Chang'e-4 ay low-frequency radio astronomical observation, pagdedetekta sa pagbuo ng mga mineral at estruktura sa mababaw na bahagi o shallow surface ng buwan, at pag-aaral sa kapaligiran ng "far side" ng buwan sa pamamagitan ng pagsusuri sa neutron radiation at neutral atoms.

Upang mapasulong ang pakikipagtulungang pandaigdig sa programa ng paggagalugad sa buwan, sa mga misyon ng Chang'e-4, nagsagawa na ang Tsina ng apat na scientific payloads na idinebelop ng mga siyentista mula sa Netherlands, Alemanya, Sweden at Saudi Arabia.

Ang programa ng Chang'e-4 na sinimulan noong Enero ng 2016 ay binubuo ng dalawang pangunahing misyon ng paglulunsad ng relay satellite at lunar probe. Nitong nagdaang Mayo 21, inilunsad ng Tsina ang relay satellite na tinaguriang Queqiao o Magpie Bridge sa nakatakdang orbita at maayos ang kalagayan nito ngayon.

Chang'e-4 lunar probe, inilunsad ng Tsina; kauna-unahang soft landing ng sangkatauhan sa far side ng buwan, isasagawa

Chang'e-4 lunar probe, inilunsad ng Tsina; kauna-unahang soft landing ng sangkatauhan sa far side ng buwan, isasagawa

Chang'e-4 lunar probe, inilunsad ng Tsina; kauna-unahang soft landing ng sangkatauhan sa far side ng buwan, isasagawa

Chang'e-4 lunar probe, inilunsad ng Tsina; kauna-unahang soft landing ng sangkatauhan sa far side ng buwan, isasagawa

Chang'e-4 lunar probe, inilunsad ng Tsina; kauna-unahang soft landing ng sangkatauhan sa far side ng buwan, isasagawa

Chang'e-4 lunar probe, inilunsad ng Tsina; kauna-unahang soft landing ng sangkatauhan sa far side ng buwan, isasagawa

Chang'e-4 lunar probe, inilunsad ng Tsina; kauna-unahang soft landing ng sangkatauhan sa far side ng buwan, isasagawa

Salin: Jade 
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino