Ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, ipinagdiwang

2018-12-10 18:02:33 CRI

Lunes, Disyembre 10, 2018, idinaos ang seremonya bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina.

Ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, ipinagdiwang

Nagpadala ng mensaheng pambati ang Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongreso Bayan (NPC), Konseho ng Estado, Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), at Central Military Commission ng CPC. Anang mensahe, noong 1958, itinatag ang Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, bagay na nagsilbing milestone sa kasaysayan ng relasyon ng mga nasyonalidad ng Tsina. Nitong nakalipas na 60 taon, lalung lalo na, sapul nang isagawa ang reporma't pagbubukas sa labas, napakalaking pagbabagong historikal ang naganap sa Guangxi. Malinaw na lumakas ang puwersang pangkabuhayan at imprastruktura, komprehensibong pinalawak ang pagbubukas at kooperasyon, nagkaroon ng progreso ang iba't ibang usaping panlipunan, natamo ng pagbabawas sa kahirapan ang disididong progreso, malinaw na tumaas ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad, at nananatiling maharmonya at matatag ang lipunan.

Ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, ipinagdiwang

Sa kanya namang talumpati sa seremonya, ipinahayag ni Wang Yang, Tagapangulo ng CPPCC, na ang tagumpay ng Guangxi ay lubos na nagpapakita ng napakalaking bentahe ng sistema ng sosyalistang may katangiang Tsino, at nagdidispley rin ng malaking kasiglahan ng sistema ng autonomiyang pambansa at panrehiyon. Aniya, sa kasalukuyan, sinasalubong ng Guangxi ang makasaysayang pagkakataong pangkaunlaran, at dapat igiit nito ang komprehensibong pagpapalalim ng reporma at pagpapalawak ng pagbubukas.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino