Ika-70 anibersaryo ng pagkakalabas ng Universal Declaration of Human Rights, ginunita; paggalang at paggarantiya ng Tsina sa karapatang pantao, napakatagumpay

2018-12-10 19:04:02

Lunes, Disyembre 10, ay Human Rights Day. Idinaos sa araw na ito sa Beijing ang talakayan bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagkakalabas ng Universal Declaration of Human Rights na magkasamang itinaguyod ng China Society for Human Rights Studies at China Foundation for Human Rights Development. Tinukoy ng mga kalahok na dalubhasa na nitong nakalipas na 70 taon, napakalaking tagumpay ang natamo ng Tsina sa aspekto ng pagbibigay-galang at paggarantiya sa karapatang pantao.

Sinabi ni Huang Kunming, Ministro ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partidong Komunista ng Tsina, na noong nagdaang 70 taon, malaking napabuti ang karapatan ng mga mamamayang Tsino sa buhay at pag-unlad. Aniya, ang karaniwang life expectancy ng populasyon ay napataas sa 76.7 taong gulang noong 2017; mula 35 taong gulang bago ang liberasyon. Samanatala, pinababa naman sa humigit-kumulang 5% ang illiteracy rate ng bansa, mula mahigit 80% noong unang dako ng panahon ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Dagdag pa niya, nitong nakalipas na 40 taon, sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas, lumaki ng 22.8 ulit ang per capita disposable income (PCDI) ng mga mamamayang Tsino, nabawasan ng 740 milyon ang mahihirap na populasyon, at nadoble ang mga naghahanap-buhay. Ganap ding naisakatuparan ang libreng compulsory education sa mga lunsod at nayon, at naitatag ang sistema ng segurong panlipunan na may pinakamalaking saklaw at populasyon sa buong mundo.

Tinukoy naman ni Li Junhua, Puno ng Departamento ng Mga Suliraning Pandaigdig ng Ministring Panlabas ng Tsina, na marami pa ang dapat gawin para maisakatuparan ang target na itinakda ng nasabing deklarasyon, at igarantiya ang pagtatamasa ng lahat ng mga mamamayan ng karapatang pantao. Aniya, sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, dapat likhain ang mapayapa't matatag na kapaligirang pandaigdig, pangalagaan ang katwiran at katarungan, igiit ang pagpapasulong at pangangalaga sa karapatang pantao sa proseso ng pag-unlad, at igiit ang kaisipan ng pagpapauna ng mga mamamayan, para magkasamang pasulungin ang usapin ng pandaigdigang karapatang pantao.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino