Delegasyong sentral ng Tsina, bumisita sa pagtatanghal ng mga natamong tagumpay ng Guangxi nitong nagdaang 60 taon

2018-12-11 12:27:18 CRI

Lunes ng umaga, Disyembre 10, 2018, bumisita ang delegasyong sentral ng Tsina na pinamumunuan ni Wang Yang, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mga Mamamayang Tsino (CPPCC), sa pagtatanghal ng mga natamong tagumpay bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina.

Ang naturang pagtatanghal ay komprehensibong nagdidispley ng bentahe ng etnikong patakaran at sistema ng autonomiyang pambansa at panrehiyon ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at kapansin-pansing tagumpay ng Guangxi sa aspekto ng kabuhayan, pulitika, kultura, lipunan, at ekolohiya, nitong nakalipas na 60 taon sapul nang itatag ang rehiyong awtonomong ito.

Binigyan ni Wang ng lubos na papuri ang natamong progreso ng Guangxi sa pagpapasulong sa pagpawi sa kahirapan, pagpapabilis ng pag-unlad ng bukas na kabuhayan, pagpapalakas ng komprehensibong puwersa, at pagpapataas ng lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino