Tsina, nag-isyu ng white paper hinggil sa progreso ng karapatang pantao nitong nakalipas na 40 taon

2018-12-12 12:52:02 CRI

Miyerkules, Disyembre 12, 2018, nag-isyu ng white paper ang Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina hinggil sa pag-unlad at progreso ng usapin ng karapatang pantao ng bansa, nitong nakalipas na 40 taon sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas.

Anang white paper, ang taong 2018 ay ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas. Ang reporma at pagbubukas ay bagong rebolusyon na pinamumunuan ng Partido Komunista ng Tsina, at nagsilbi itong disididong patakaran para sa kapalaran ng Tsina. Salamat sa reporma at pagbubukas, malaking pinaunlad ang produksyon ng lipunan, matagumpay na nilikha ang landas ng sosyalismong may katangiang Tsino, at binuksan ang bagong kabanata ng usapin ng karapatang pantao ng bansa, dagdag ng dokumento.

Tinukoy ng white paper na nitong nakalipas na 40 taon, malawakang nagsagawa ang Tsina ng pagpapalitan at pagtutulungan sa larangan ng karapatang pantao, mataimtim na nagsabalikat ng pandaigdigang obligasyon sa karapatang pantao, at komprehensibong sumali sa mga pandaigdigang suliranin ng karapatang pantao. Bukod dito, aktibo ring nagpasulong ito ng reporma ng sistema ng pagsasaayos sa karapatang pantao ng buong mundo, nagpupunyagi para sa pagtatatag ng community with a shared future for mankind, at walang humpay na gumawa ng bagong ambag para sa pagpapaunlad ng usapin ng karapatang pantao ng daigdig.

Anito pa, marami ang kailangang gawin ng Tsina para maisakatuparan ang mas lubos na paggarantiya sa karapatang pantao. Pagkaraan ng ilampung taong pagsisikap, tiyak na tatanggapin ng mga mamamayang Tsino ang mas magandang garantiya sa mas mataas na antas, at magkakaroon sila ng mas malaking dignidad, kalayaan at kaligayaan.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino