Tsina, bukas sa pagsasagawa ng diyalogo sa karapatang pantao batay sa paggagalangan

2018-12-12 12:55:39 CRI

Sinabi Martes, Disyembre 11, 2018 ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina nananatiling bukas ang pakikitungo ng Tsina sa pagsasagawa ng diyalogo at palitan sa ibang bansa sa larangan ng karapatang pantao, batay sa paggagalangan.

Ayon sa ulat ng ilang media ng Alemanya, sa pagtatagpo ng mga pangulo ng Tsina at Alemanya noong Disyembre 10, binanggit ni Pangulong Frank-Walter Steinmeier ng Alemanya ang isyu ng karapatang pantao ng Tsina.

Dagdag ni Lu, magkaiba ang tradisyong historikal at karanasan ng Alemanya at Tsina, kaya normal ang pagkakaroon ng sariling kuru-kuro sa ilang isyu. Bilang estratehikong partner, maaaring pahigpitin ng kapuwa panig ang pag-uunawaan batay sa paggagalangan, sa pamamagitan ng pantay na diyalogo't pagpapalitan, sa halip ng pag-abuso sa pamamagitan ng media.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino