Pagpapalawak ng pagbubukas, tampok ng diplomasya ng Tsina sa kasalukuyang taon—Wang Yi

2018-12-12 12:54:52 CRI

Martes, Disyembre 11, 2018, dumalo at nagtalumpati si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa seremonya ng pagbubukas ng simposyum hinggil sa kalagayang pandaigdig at diplomasya ng Tsina sa taong 2018. Ipinahayag ni Wang na ang kasalukuyang taon ay ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas. Aniya, tampok ng diplomasya ng Tsina sa kasalukuyang taon ang ibayo pang pagpapalawak ng pagbubukas, batay sa pagpapalalim ng reporma.

Saad ni Wang, sa harap ng pag-usbong ng proteksyonismo at unilateral na hegemonismo, kinakatigan ng Tsina ang proseso ng globalisasyon, iginigiit ang sistema ng malayang kalakalan, at pinangangalagaan ang mga regulasyon ng multilateralismo.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino