Nanjing, iginagarantiya ang mga aktibidad ng pagdambanang pampubliko sa pamamagitan ng lehislasyon

2018-12-13 12:43:57 CRI

Ngayong araw, Disyembre 13, 2018 ay ika-5 National Public Memorial Day ng Nanjing Massacre. Sa araw na ito, sinimulang pormal na isagawa ang mga regulasyon ng paggarantiya sa pambansang pagdambana ng Nanjing. Ito ang unang regulasyong lokal sa Tsina hinggil sa pambansang pagdambana. Malinaw na inilakip sa mga regulasyon ang pagbibigay-tulong sa pamumuhay ng mga natitirang buhay na biktima ng Nanjing Massacre, at komprehensibong pangangasiwa sa mga pinagdarausan ng pagdambanang pampubliko.

Layon ng pagpapalabas ng nasabing regulasyon na mas mabisang igarantiya ang maayos at maalwang pagdaraos ng aktibidad ng pambansang pagdambana at ibang aktibidad bilang paggunita sa okasyong ito.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino