Pambansang seremonya ng pagdambana sa mga nabiktima sa Nanjing Massacre, ginanap

2018-12-13 16:06:43 CRI

Nanjing, Lalawigang Jiangsu ng Tsina—Maringal na idinaos Huwebes ng umaga, Disyembre 13, 2018 ng Komite Sentral ng Partido Komunista at Konseho ng Estado ng Tsina ang pambansang seremonya ng pagdambana sa mga nabiktima sa Nanjing Massacre.

Sa kanyang talumpati sa seremonya, ipinahayag ni Wang Chen, Pangalawang Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, na ang pagdaraos ng pambansang pagdambana ay bilang pag-ala-ala sa lahat ng mga nabiktimang kababayan sa Nanjing Massacre, mga kababayan na pinatay ng mananalakay na Hapones, at mga martir at bayani sa loob at labas ng bansa na nagsakripisyo ng sariling buhay para sa tagumpay ng digmaang pagtatanggol ng Tsina laban sa Hapon. Nagpapakita rin ito ng mithiin ng mga mamamayang Tsino na buong tatag na tumahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, aniya pa.

Noong Pebrero 27, 2014, sa porma ng lehislasyon, ang Disyembre 13 ay itinalaga bilang National Public Memorial Day ng Nanjing Massacre ng Tsina.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino