Bagong bahay-kalakal na may puhunang dayuhan sa Tsina, lumaki ng 77.5% nitong 11 buwang nakalipas

2018-12-14 13:30:20 CRI

Ayon sa pinakahuling datos na inilabas nitong Huwebes, Disyembre 13, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang 11 buwan ng taong ito, umabot sa 54,703 ang bilang ng mga bagong tatag na bahay-kalakal na may puhunang dayuhan sa bansa, at mas mataas ito ng 77.5% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2017.

Ayon din sa datos, umabot sa 793.27 bilyong yuan RMB ang aktuwal na ginamit na pondong dayuhan ng Tsina, nitong 11 buwang nakalipas. Mas mababa ito ng 1.3% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon, pero nanatiling matatag.

Ayon naman sa pinakahuling ulat ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD), noong unang hati ng taong 2018, bumaba ng 41% ang direkatang puhunang dayuhan (FDI) ng buong daigdig kumpara sa gayunding panahon ng 2017, at gayunpaman, nahigitan ng Tsina ang Amerika at naging pinakamalaking bansang may puhunang dayuhan.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino